Saturday, October 22, 2016

LITERATURA NG REHIYON 1: ILOCOS REGION



PARTIDO STATE UNIVERSITY
GOA CAMARINES SUR
COLLEGE OF EDUCATION
S/Y 2015-2016



COMPILATION OF ALL REPORT 
IN  
LIT106






REGION 1 OR ILOCOS REGION

Ilocos Norte - Laoag City

Ilocos Sur - Vigan City

La Union - San Fernando City

Pangasinan– Lingayen




ILOCOS NORTE
Ilocos Norte Museum
Paoay Lake
Patapat Bridge
Ricarte Park and Shrine
San Nicolas Church
Sarrat Church
Sinking Bell tower, Laoag City


ILOCOS SUR

Bell tower of Bantay Ilocos Sur
Ilocos Sur Capitol
Pinsal Falls
Santa Maria Church
Sinait Church
Vigan Spanish House




LA UNION

Bauang Beach
La Union Botanical Garden
La Union Capitol
La Union Surfing Capital (San Juan)
Pindangan Ruins
Poro Point (sea port)
Thunderbird Resort and Casino
Wallace Air Station


PANGASINAN

Antong Falls
Blue Beach
Boat ride in Pantal River
Bolinao Museum
Bonuan Blue Beach in Dagupan City
Cacupangan Cave
Caves in Bolinao
Hundred Islands Marine Sanctuary
Lingayen Gulf War Museum
Manleluag Spring National Park
Mount Balungao
Narciso Ramos Sports and Civic Center
Oceanographic Marine Laboratory
Pangasinan Capitol


MGA KATUTUBO

Agta
-ay kabilang din sa tribong Negrito na makikita sa Palanan, Isabela. Karaniwa’y nakatirik sa tabing-dagat ang kanilang mga bahay na hugis tatsulok. Palipat-lipat silang mga lugar. Pangangaso at pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Tulad ng mga Negrito, nagkakaingin din sila.

Tinggian
-ay katutubong Abra. Nagmula rin ang ilan sa kanila sa mga bundok ng Ilocos Norte at Ilocos Sur. Bahay-kubo na gawa sa kawayan at pawid ang kanilang mga bahay. Nagsasaka at nangangaso sila.Tinatatuhan nila ang kanilang mga katawan. Mahilig din sila sa musika.

Salidomay
-ay isang sikat na awit nila. Inaawit nila ito kasabay ang gansa o gong.

Hanunuo sa tribong Mangyan ng Mindoro
-Sa wikang Mangyan, totoo o tunay ang ibig sabihin ng Hanunuo. Nakatira sila sa mga bahay na gawa sa kahoy at kogon. Pagkakaingin at pagsasaka ang kanilang hanap-buhay. Nagpuputol ng puno at nangangahoy ang kalalakihan samantalang tumutulong sa pagtatanim ang kababaihan. Napanatili ng mga Hanunuo ang kanilang minanang katutubong alpabetong  Pilipino. Nagsusulat sila sa papel na kawayan.






Narito ang halimbawa ng tula na isinulat sakanilang katutubong alpabeto:


Kawayan sa tumalo
Kawo no kangi tudlo
Kawo balaw dumayo
Hurok naka burino
Gapa na basan panyo

Kapag isinalin, ibig sabihin nito’y:
Kawayan sa sapa;
Kung saiyo’y maipapakita,
Magugustuhan mo ang kumikinang-kinang,
Magagandang murang labong
Animo’y koronang pinutol


MgaTradisyon o Kaugalianngmga Pilipino

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino
(Piyesta)

1.       Mahal na araw/ Senakulo
2.       Mamanhikan
3.       Harana
4.       Simbang-gabi
5.       Flores De mayo


Madalas na Kaugalian

Pagmamano
 – ito’y madalas ginagawa ng mga na kababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.

Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda
– ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.


Mahilig makipagkapwa-tao
- kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.

Mapagkumbaba
– nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.



Madalas na Paniniwala

SA KUSINA:

Bawal kumanta sa harap ng kalan
- may masamang mangyayari.

Bawal kumanta sa hapag-kainan
– simbolo ng hindi pagrespeto.

Bawal paglaruan ang apoy
– maaaring lumabo ang mata.

Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon
– ito ay simbolo ng kamalasan.








SA KASAL:

Bawal isukat ang damit pangkasal
– Maaaring hindi matuloy ang kasal

Bawal magkita ang mag kapareha bago ang araw ng kasal
 – maaaring mamatay ang isa sa kanila.

Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan
 – upang hindi siya maliitin.


Kapag umulan sa araw ng kasal
– simbolo ng ka swertehan.






KAPAG MAY SUMAKABILANG-BUHAY

Bawal matulog sa tabing kabaong
 – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
.
Bawal mag kamot ng ulo
 –maaaring magkaroon ng kuto.

Pag suutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.

Dapat putulin ang kwintas nanakakabit sa namayapa
– upang hindi na siya masundan.

Bawal magwalis sa araw ng burol
 – bilang respeto

Bawal matuluan ng luha ang kabaong
 – upang hindi siya mahirapan sapag-akyat sa langit.

IBA PANG PAMAHIIN:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi
 – upang hindi malasin .

“Friday the 13th
 – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.

Paggsing ng alas tres ng medaling araw
 – maaaring may dumalaw sainyo. Paggising ng mga ispiritu.

Kapag may nakitakang taong pugot ang ulo
– maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)











ANG PANITIKANG ILOKANO

Pinaniniwalaang nagmulang ng salitang Ilokos:




1. Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na ‘’look’’. Ang unlaping ‘’I’’ nangangahulugang ‘’mula sa’’ o ‘’ilog’’.




  2. Nagmula sa ‘’loko’’ na ang ibig sabihin ay ‘’bayan sa kapatagan’’ at dinadagdagan na lamang ng ‘’I’’.



3. Nagmula sa salitang tagalog na ‘’iloc’’.


ILOKANO
Ø  Ang tawag sa lipi ng naninirahan sa nasabing lugar.

SAMTOY
Ø  Ang taguri ng mga ilokano sa kanilang salita.
Ø  Mula sa salitang ‘’saomi datoy’’.
Ø  Isang austronesian

KURDITAN
Ø  Ang tawag sa kanilang panitikan.
Ø  KURDIT-‘’sumulat’’

DOCTRINA CHRISTIANA
Ø  Ni Cardinal Berllarmine na isinalin ni P. Francisco Lopez.
Ø  Ito ang kauna-unahang libro ng mga ilokano.
Ø  Naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at mga bahagi na naisulat ng mga katutubong script.

URI NG PANITIKANG ILUKO
Uri ng panitikang iluko ayon kay Leopoldo Y. Yabes ay ang mga sumusunod:
        I.            Mga simu-simula
      II.            Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal
    III.            Mga akdang ukol sa wikang Iluko
    IV.            Panulaang Iluko
      V.            Maikling kuwento
    VI.            Nobela
  VII.            Dula

l. Mga simusimula
A. Kantahing bayan
B.Salaysaying bayan
C.Karunungang bayan

A.      KANTAHING BAYAN

1.       Pinagbiag
-ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang uri:ang awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.

2.       Dallot
-awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong kasal.
-       Isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babae sa saliw ng tulali.
-       TULALI- isang plawtang iloko na may 6 na butas.
                       Halimbawa:

 Da mangngalap ken agsansana
(ang mga mangingisda at mag-aasin
 Salin ni Deogracia del Castillo-Santos

                                                Mannamili

3.       Badeng
-isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang nanghaharana.
                                Halimbawa:
                                                Manang biday
                                                Pamulinawen
                                                Naraniag a bulan

            4. Dung-aw
- awit para sa mga patay
                                Halimbawa:
                                                As-asug daguiti kararrua
                                                Agtig-ab ti lubong

             5. Dasal na patungkol sa mangmangkik
                        -ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magalit.

              6    . Arinkenken
                          -paligsahan ng mga lalaki at babae .               
                        -   Ang tema nlia ay tungkol sa      karapatan at responsibilidad.


               7.Hele o duayaya
                         -Awit na pampatulog sa mga bata
                                Halimbawa:
                                             Hele

                8.Awit sa pagtatanim,paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.


B.SALAYSAYING BAYAN
1. ALAMAT
Halimbawa:
1.       Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan
2.       Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte
3.       Ang alamat ng bigas
4.       Alamat ng pinaupong bangkay

2. KUWENTONG BAYAN
Halimbawa:
1.       Ang tatlong magkakapatid na lalaki
2.       Ang tatlong magkakapatid na masuwerte
3.       Si juan tamad
4.       Ang gintong tuntunin
5.       Cochinango
6.       Si Andres, ang mambibitag
7.       Ang hunyango at pagong
8.       Si Camachile at si pasion
9.       Ang pitong tangang magkakaibigan


3. EPIKO
Halimbawa:
                Biag ni lam-ang ni Pedro Bukaneg

1. BURBURTIA O BURTIA
-ito ang katumbas ng bugtong g tagalog kung saan sinusukat nito ang kaisipan ng mga ilokano.
Halimbawa:
a. no baro ket narukop
   no daan nalagda
           (tambak)
                b.sangapulo iti mangiyawat
                 taltallo iti mangawat
2. PAGSASAO
-salawikain sa tagalog.,may aral at bibigkas ng patula
Halimbawa:
1. ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na
2. ti usto nga napanglaw ket ti tao nga awan ammo iti napintas nga adal.

3. ARASAAS
-katumbas ito ng bulong sa tagalog.
Halimbawa:
1.       Umaykan , dika agbatbati
2.       Puwera dildilaw
3.       Kaasiam apo
4.       Dayo dayo, bari bari apo
II.MGA  AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA AT KAGANDAHANG ASAL
1.       Doctrina christiana ni Cardinal Bellarmine na isinalin ni P. Francisco(1621)
2.       Pasion de nuetra senora jesuchristo(1621) ni P.Antonio Mejia
3.       Vida de san Barlaan y Josaphat(1700) ni P. Agustin Mejia
4.       Sermones morales at escudos del christiana ni P. Jacinto Guerrero at P. Guellirmo Sebastian.
5.       Novena de nuestra de la caridad que se venera en la eglesia del pueblo de bantay P.  Juan Bautista Arenos


III. MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILOKO
1.       Arte de le legua iloca(1627) ni P. Francisco Lopez
2.       Vocabulario de la lengua iloco ,isinulat ni P. Lopez at inayos ng 1800 at muling inayos ni P. Andres Carro.
3.       Gramatica hispano- ilocana at diccionario hispano(1900)
4.       Etudios de las antigua alfabitos filipino

IV.ANG PANULAANG ILOKANO
1.       Pedro bukaneg
2.       Leona florentino
3.       Justo claudio y fojas

V.MAIKLING KUWENTO
SARITA
-ang tawag ng mga ilokano sa kanilang maikling kuwento.            

Ito’y nanganagahulugang kuwento sa tagalog.
1.       Ti langit iti innamnamatayo( ang langit ang pag-asa)
Pinakadagdag ng pulyento na biag ni aida

VI. NOBELA
1.       Matilde de sipangan(1872) ni P. Rufino Redondo
-       Kauna-unahang nobela na nailibag.
-       Umani ang akda ng gintong medalya noong 1892
2.       Biag ti meysa a lakay wenno nakaam-ames a bales
-sinulat ni Mariano Gaerlan na ang nobelang yaman ng interpretasyon sa buhay at kaugalian ng rehiyong iloko.

Ang ilan sa mga kilalang nobelang iluko
1.       Apay a pinatay da ni naw Simon ni Leon Pechay(1935)
2.       Puso iti ina ni Leon Pechay(1936)
3.       Mining wenno ayat ti carrua(1914) ni marcelino p. crisologo,
4.       Uray narigat no paguimbagan (1911) ni Facundo madriaga
5.       Nasamit ken narukos nga sabong daguiti dardaradepdep ti agbaniaga (1921)ni marcos milton
6.       Sabsabong ken lullua(1930) ni r. repicio

Ang ilan sa nobelang nailimbag nang maitatag ang pahayagang bannawag
1.       Ti maingel ti kabambantayan(ang bayani ng kagubatan) ni arsenio t. ramel.
2.       Puris iti barukong(tinik sa dibdib)ni constante c. casabaris.
3.       Daguiti mariing iti parbangon ni constante c. casabaris
4.       Ta di da ammo ti aramidda ni marcelino a. foronda
5.       Nasudi nga panagayat ni marcelino foronda
6.       Ramut iti ganggamet ni marcelino foronda

Ilan sa mga naisulat ng mga makabagong nobelista
1 .ta annak ida iti dios ni lorenzo tabin
2. viva pinoy ni mario abalos

VII. DULA
NENA CRISOLOGO
-ang masasabing pinakadakilang pangalan sa larangan ng dulaang Ilokano. Ang kanyang akdang codigo municipal at takneng a panangsalisal ang sinasabing kaniyang obra maestra.


MGA MANUNULAT NG REHIYON 1

1.       Mga manunulat ayon sa wikang gamit sa panunulat.

A.      Wikang Iloko: Aurilio Agcaoili, Hermones Belen Jose Bragado, Dionisio Bulong, Honor Blanco-Cabie,Jeremias Calixto, Constante C. Casabar, Reynaldo Duque, Juan S.P. Hidalgo Jr., Alejandro Hufana,Gregorio Laconsay, Benjamin Pascual, Marcelino Crisologo Pena, Leon Pichay,Godofredo Reyes,Herman Tabin At Lorenzo Tabin.
B.      Wikang Filipino: Herminio Beltran,Andres Cristobal Cruz At Paul Dumol.
C.      Wikang English: Carlos Angeles,Francisco Arcellana,Manuel Arguila, Carlos Bulosan,Albert Casuga,Tita Ayala Alcambra,Juan C. Laya, Salvador Lopez, Severino Montano,Donel Pacis, F. Sioni Jose At Carlos Romulo.

2.       Mga manunulat ayon sa anyo/disiplina
A.      Mananalaysay (Historian) Marcelino Foronda Jr., At Leopoldo Y. Yabes
B.      Dramatista – Pacita Saludes
Mananaysay(Essayists) Yolonda Ablang,Herminigilda T. Lingbaong-Bulong,Harmony Francisca Cabie, Hermione, Mary Ann Cabie, Ma Rose Cabie,Visitacion R. Dela Tore, Nieves Espistola, Linda Villanueva Landingan,Julia Palanca, Pacita Saludes, Anilin Venencaciano.
C.      Kuwentista: Ruperta Ramos Asuncion, Crispina Balderas Bragado,Eden Cachola Bulong,Hermilinda Lingbaon Bulong, Liticia Farines,Cristina Gervacio-Gallato, Onofrecia Ibarra, Linda A. Villanueva Landingan, Pacita C. Saludes, Cresencia Alcantara, Julie Gorospe At Caroline Salmasan.
D.      Makata: Leona Florentino, Yolanda Ablang,Antonio Marcos Rubio, Consolacion Talbo,Sinamar Robians Tabin,Anilin Vancaciano,Ursula Villanueva, Enriquetta De Peralta.
Ilang piling manunulat ng literatura ng iloko

1.            PEDRO BUKANEG
-ang kinikilalang ama ng panitikang iloko at ipinapapalagay na siyang francisco balagtasng iloko, walang gaanong tala kay bukaneg.

2.    LEONNA FLORENTINO
-ititnuturing na unang makatang babaeng pilipino at butihing ina ni Isabelo delos Reyes,

3.    CARLOS S. BULOSAN
-mula sa binalonan, pangasinan at matagal nanirahan sa estado unidos.
Ang busabos ng kahapon at ang iba pang tula(1975)
Ang dugo ng magdamag at iba pang tula(1976)
Ang ulupong(maikling kuwento)

4. JOSE BRAGADO
-ipinananganak sa illocos sur at pangulo ng ‘’gumil’’ gunglo daguiti     manurat nga ilocano(1968). Tanyag na manunulat ng ilocos sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg.

5. GREGORIO T. AMACO
-mula sa vigan, iloco Sur, mga sinulat ay ang mga sumusunod,’’ dimo koma biruken ti kaasida’’ o‘’ do not loo for their mercy’’,’’talna’’ o ‘’peace’’,’’buhon’’o ‘’well’’, naging editor ng phil. Journal at gumawa ng apat na aklat sa practical arts.

6. ZOSIMO BARNACHEA
-isinilang sa tagudin, ilocos Sur  at aktibong meyambro ng gumil
-nagtamo siya ng unang gantimpala pagsulat ng maikling o short story.

7. JOSE CALIP
-ipinanganak sa candon ,ilocos sur. Sinulat niya ang mga pilipinno folklore o mga
 Alamat ng pilipino.

8.MARIO A. ABALOS
-isinilang sa vigan ilocos sur ,nakasulat siya ng pitong nobela at sampung dula tulad ng uban at rosas,. Naging editor din siya ng kiss magazine at pluma magazine at nagkamit ng sa patimpalak sa pagsulat sa hawii at ginawarang ‘’ thomas jefferson award’’.

9. CONSTANTE C. CASABAR
-mula sa Narnalan, ilocos sur

10. CLARO CALUYA
-makata at nobelista. Tinagurian prinsipe ng mga makatang ilokano.



ANG MGA BABASAHIN AT SAMAHANG ILUKANO
EL ILOCANO

-pinakaunang pahayagang pangrehiyon sa Pilipinas. Itinatag ni Isabelo delos Reyes.

BANNAWAG(1934)
-pahayagang umani ng negatibong pamumuna mula sa iba’t ibang rehiyon.

KUTIBENG(LIRA)
-isang samahan ng mga manunulat na ilukano sa Maynila at mga karatig lalawigan.
Pacifico D. Espanto ang nahirang na taga pangulo nito
Gunglo daguiti manunurat iti iluko noong oktubre, 1964
                Itinatag ito sa ilocos sur at pinamunuan ni Pelagio A. Alcantara. At naging gunglodaguiti manunurat iti filipinas o gumil filipinas.
                Lumawak ang sakop  ng gumil, ipinanganak ang mga gumil sa La Union (1966), manila (disyembre ,1966), Baguio City (1968), at Hawii(1971).